12Pinagsilbihan niya ang unang halimaw at ginamit ang lahat ng kapangyarihan nito. Pinipilit niya ang lahat ng tao sa lupa na sumamba sa unang halimaw na gumaling mula sa nakamamatay na sugat nito.
13Gumawa ng mga kamangha-manghang tanda ang pangalawang halimaw tulad ng pagpapaulan ng apoy mula sa langit patungo sa lupa, upang ipakita sa mga tao ang kanyang kapangyarihan.
14At dahil sa mga himalang ipinagawa sa kanya ng unang halimaw, nalinlang niya ang mga tao sa mundo. Inutusan niya ang mga tao na gumawa ng imahen ng unang halimaw na malubhang nasugatan ng espada ngunit nabuhay pa.
15Hinayaan ng Diyos ang pangalawang halimaw na magbigay ng buhay sa imahen ng unang halimaw. Kaya nakapagsalita ang imahen at nakapag-utos na patayin ang lahat ng ayaw sumamba sa kanya.
16Pinilit ng pangalawang halimaw ang lahat ng tao, dakila o hindi, mayaman o mahirap, alipin o malaya, na magpatatak sa kanang kamay o sa noo.