2Ang halimaw ay parang leopardo, at may mga paang katulad ng sa oso. Ang bibig niya ay parang bibig ng leon. Ibinigay ng dragon sa halimaw ang kanyang kapangyarihan at trono upang maging malawak ang kapangyarihan nito.
3Nakita kong ang isa sa mga ulo ng halimaw ay nasugatan nang lubha, ngunit gumaling na ang nakamamatay na sugat nito. Kaya humanga sa halimaw ang mga tao sa buong mundo at naging alagad sila nito.
4Sinamba nila ang dragon dahil siya ang nagbigay ng kapangyarihan sa halimaw. Sinamba rin nila ang halimaw, at sinabi, “Wala nang makakatulad sa halimaw! Walang makakalaban sa kanya!”
5Hinayaang magsalita ang halimaw ng kalapastanganan at maghari sa loob ng apatnapuʼt dalawang buwan.
6Nagsalita siya ng kalapastanganan laban sa Diyos; laban sa pangalan ng Diyos, sa kanyang tahanan, at sa lahat ng nakatira sa langit.