Pahayag 13

Nakita kong ang isa sa mga ulo ng halimaw ay nasugatan nang lubha, ngunit gumaling na ang nakamamatay na sugat nito. Kaya humanga sa halimaw ang mga tao sa buong mundo at naging alagad sila nito.

Revelation 13:3 (UKJV) And I saw one of his heads as it were wounded to death; and his deadly wound was healed: and all the world wondered after the beast.

1Pagkatapos, may nakita akong halimaw na umaahon sa dagat. Pito ang ulo nito at sampu ang sungay. Bawat sungay nito ay may korona, at sa bawat ulo naman ay may nakasulat na pangalang lumalapastangan sa Diyos.

2Ang halimaw ay parang leopardo, at may mga paang katulad ng sa oso. Ang bibig niya ay parang bibig ng leon. Ibinigay ng dragon sa halimaw ang kanyang kapangyarihan at trono upang maging malawak ang kapangyarihan nito.

3Nakita kong ang isa sa mga ulo ng halimaw ay nasugatan nang lubha, ngunit gumaling na ang nakamamatay na sugat nito. Kaya humanga sa halimaw ang mga tao sa buong mundo at naging alagad sila nito.

4Sinamba nila ang dragon dahil siya ang nagbigay ng kapangyarihan sa halimaw. Sinamba rin nila ang halimaw, at sinabi, “Wala nang makakatulad sa halimaw! Walang makakalaban sa kanya!”

5Hinayaang magsalita ang halimaw ng kalapastanganan at maghari sa loob ng apatnapuʼt dalawang buwan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.