18At mula sa altar ay lumabas ang isa pang anghel na siyang namamahala sa apoy ng altar. Sumigaw siya sa anghel na may matalim na karit, “Gamitin mo na ang karit mo at anihin mo na ang mga ubas sa lupa dahil hinog na ang mga ito!”
19Kaya ginamit ng anghel ang kanyang karit, inani ang mga ubas sa lupa, at itinapon ang mga ito sa malaking pisaan. Ang pisaang ito ay ang poot ng Diyos.
20Pinisa ang mga ubas sa pisaan na nasa labas ng lungsod, at mula rooʼy may umagos na dugo na umabot sa 1,600 estadia ang layo at hanggang renda ng kabayo ang taas.