1Isa pang kagila-gilalas na tanda ang nakita ko sa langit. May pitong anghel doon na may dalang pito pang salot. Iyon ang panghuling mga salot na ipapadala ng Diyos bilang parusa sa mga tao.
2At nakita ko ang parang dagat na kasinlinaw ng kristal na may nagliliyab na apoy. Nakatayo roon ang mga nagtagumpay laban sa halimaw at sa imahen nito. Hindi sila nagpatatak ng numero na simbolo ng pangalan ng halimaw na iyon. May hawak silang mga alpa na ibinigay sa kanila ng Diyos.
3Umaawit sila ng awit ni Moises na lingkod ng Diyos, na siya ring awit ng Kordero. Ito ang awit nila: “Panginoong Diyos na makapangyarihan sa lahat, kahanga-hanga ang inyong mga gawa! Kayo ay makatarungan at makatotohanan, kayo ang Hari ng mga bansa.