Pahayag 15

At nakita ko ang parang dagat na kasinlinaw ng kristal na may nagliliyab na apoy. Nakatayo roon ang mga nagtagumpay laban sa halimaw at sa imahen nito. Hindi sila nagpatatak ng numero na simbolo ng pangalan ng halimaw na iyon. May hawak silang mga alpa na ibinigay sa kanila ng Diyos.

Revelation 15:2 (UKJV) And I saw as it were a sea of glass mingled with fire: and them that had got the victory over the beast, and over his image, and over his mark, and over the number of his name, stand on the sea of glass, having the harps of God.

1Isa pang kagila-gilalas na tanda ang nakita ko sa langit. May pitong anghel doon na may dalang pito pang salot. Iyon ang panghuling mga salot na ipapadala ng Diyos bilang parusa sa mga tao.

2At nakita ko ang parang dagat na kasinlinaw ng kristal na may nagliliyab na apoy. Nakatayo roon ang mga nagtagumpay laban sa halimaw at sa imahen nito. Hindi sila nagpatatak ng numero na simbolo ng pangalan ng halimaw na iyon. May hawak silang mga alpa na ibinigay sa kanila ng Diyos.

3Umaawit sila ng awit ni Moises na lingkod ng Diyos, na siya ring awit ng Kordero. Ito ang awit nila: “Panginoong Diyos na makapangyarihan sa lahat, kahanga-hanga ang inyong mga gawa! Kayo ay makatarungan at makatotohanan, kayo ang Hari ng mga bansa.

4Sino ang hindi matatakot sa inyo, Panginoon? Sino ang hindi magbibigay luwalhati sa inyong pangalan? Kayo lamang ang banal. Lalapit at sasamba sa inyo ang mga tao sa lahat ng bansa, sapagkat nakita na ng lahat ang matuwid ninyong gawa.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.