Pahayag 15

Sino ang hindi matatakot sa inyo, Panginoon? Sino ang hindi magbibigay luwalhati sa inyong pangalan? Kayo lamang ang banal. Lalapit at sasamba sa inyo ang mga tao sa lahat ng bansa, sapagkat nakita na ng lahat ang matuwid ninyong gawa.”

Revelation 15:4 (UKJV) Who shall not fear you, O Lord, and glorify your name? for you only are holy: for all nations shall come and worship before you; for your judgments are made manifest.

2At nakita ko ang parang dagat na kasinlinaw ng kristal na may nagliliyab na apoy. Nakatayo roon ang mga nagtagumpay laban sa halimaw at sa imahen nito. Hindi sila nagpatatak ng numero na simbolo ng pangalan ng halimaw na iyon. May hawak silang mga alpa na ibinigay sa kanila ng Diyos.

3Umaawit sila ng awit ni Moises na lingkod ng Diyos, na siya ring awit ng Kordero. Ito ang awit nila: “Panginoong Diyos na makapangyarihan sa lahat, kahanga-hanga ang inyong mga gawa! Kayo ay makatarungan at makatotohanan, kayo ang Hari ng mga bansa.

4Sino ang hindi matatakot sa inyo, Panginoon? Sino ang hindi magbibigay luwalhati sa inyong pangalan? Kayo lamang ang banal. Lalapit at sasamba sa inyo ang mga tao sa lahat ng bansa, sapagkat nakita na ng lahat ang matuwid ninyong gawa.”

5Pagkatapos nito, nakita ko na bumukas ang templo sa langit, ang Toldang Tipanan, kung saan nakalagay ang Kautusan.

6At mula roon sa templo ay lumabas ang pitong anghel na may dalang pitong salot. Nakasuot sila ng malinis at kumikinang na damit na gawa sa lino at may gintong pamigkis sa kanilang dibdib.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.