3Umaawit sila ng awit ni Moises na lingkod ng Diyos, na siya ring awit ng Kordero. Ito ang awit nila: “Panginoong Diyos na makapangyarihan sa lahat, kahanga-hanga ang inyong mga gawa! Kayo ay makatarungan at makatotohanan, kayo ang Hari ng mga bansa.
4Sino ang hindi matatakot sa inyo, Panginoon? Sino ang hindi magbibigay luwalhati sa inyong pangalan? Kayo lamang ang banal. Lalapit at sasamba sa inyo ang mga tao sa lahat ng bansa, sapagkat nakita na ng lahat ang matuwid ninyong gawa.”
5Pagkatapos nito, nakita ko na bumukas ang templo sa langit, ang Toldang Tipanan, kung saan nakalagay ang Kautusan.
6At mula roon sa templo ay lumabas ang pitong anghel na may dalang pitong salot. Nakasuot sila ng malinis at kumikinang na damit na gawa sa lino at may gintong pamigkis sa kanilang dibdib.
7Ang isa sa apat na buháy na nilalang ay nagbigay sa pitong anghel ng tig-iisang sisidlang ginto na puno ng mga parusa ng Diyos na nabubuhay magpakailanman.