Pahayag 15

At mula roon sa templo ay lumabas ang pitong anghel na may dalang pitong salot. Nakasuot sila ng malinis at kumikinang na damit na gawa sa lino at may gintong pamigkis sa kanilang dibdib.

Revelation 15:6 (UKJV) And the seven angels came out of the temple, having the seven plagues, clothed in pure and white linen, and having their breasts girded with golden girdles.

4Sino ang hindi matatakot sa inyo, Panginoon? Sino ang hindi magbibigay luwalhati sa inyong pangalan? Kayo lamang ang banal. Lalapit at sasamba sa inyo ang mga tao sa lahat ng bansa, sapagkat nakita na ng lahat ang matuwid ninyong gawa.”

5Pagkatapos nito, nakita ko na bumukas ang templo sa langit, ang Toldang Tipanan, kung saan nakalagay ang Kautusan.

6At mula roon sa templo ay lumabas ang pitong anghel na may dalang pitong salot. Nakasuot sila ng malinis at kumikinang na damit na gawa sa lino at may gintong pamigkis sa kanilang dibdib.

7Ang isa sa apat na buháy na nilalang ay nagbigay sa pitong anghel ng tig-iisang sisidlang ginto na puno ng mga parusa ng Diyos na nabubuhay magpakailanman.

8Napuno ng usok ang Templo dahil sa kaluwalhatian at kapangyarihan ng Diyos. At walang makakapasok doon hanggaʼt hindi pa natatapos ang pitong salot na dala ng pitong anghel.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.