5Hindi sila nagsinungaling kailanman at wala silang anumang kapintasan.
6At nakita ko ang isa pang anghel na lumilipad sa himpapawid. Dala niya ang walang kupas na Magandang Balita upang ipangaral sa mga tao sa buong mundo, sa lahat ng bansa, angkan, wika, at lahi.
7Ito ang isinisigaw niya, “Matakot kayo sa Diyos, at purihin ninyo siya, dahil dumating na ang oras ng paghatol niya ang lahat. Sambahin ninyo ang Diyos na lumikha ng langit, lupa, dagat at mga bukal.”
8Kasunod namang lumipad ang pangalawang anghel na sumisigaw, “Bumagsak na! Bumagsak na ang Dakilang Babilonia! Ang mga mamamayan nito ang humikayat sa mga tao sa buong mundo na sumunod sa imoralidad nila na kinamumuhian ng Diyos.”
9Sumunod pa ang isang anghel sa dalawang anghel na nauna. Sumisigaw din siya, “Kung sinuman ang sumamba sa halimaw at sa imahen nito, at tumanggap ng tatak nito sa noo o sa kanang kamay,