7Ito ang isinisigaw niya, “Matakot kayo sa Diyos, at purihin ninyo siya, dahil dumating na ang oras ng paghatol niya ang lahat. Sambahin ninyo ang Diyos na lumikha ng langit, lupa, dagat at mga bukal.”
8Kasunod namang lumipad ang pangalawang anghel na sumisigaw, “Bumagsak na! Bumagsak na ang Dakilang Babilonia! Ang mga mamamayan nito ang humikayat sa mga tao sa buong mundo na sumunod sa imoralidad nila na kinamumuhian ng Diyos.”
9Sumunod pa ang isang anghel sa dalawang anghel na nauna. Sumisigaw din siya, “Kung sinuman ang sumamba sa halimaw at sa imahen nito, at tumanggap ng tatak nito sa noo o sa kanang kamay,
10ay paiinumin ng alak ng poot ng Diyos na ibinuhos na walang halo sa kopang naglalaman ng kanyang galit. Siyaʼy parurusahan sa nagniningas na apoy at asupre sa harapan ng mga banal na anghel at ng Kordero.
11Ang usok na galing sa paghihirap ng mga taong ito ay papailanlang magpakailanman. Araw-gabi ay wala silang pahinga, dahil sinamba nila ang halimaw at ang imahen nito at nagpatatak ng pangalan nito.”