Pahayag 14

Ang usok na galing sa paghihirap ng mga taong ito ay papailanlang magpakailanman. Araw-gabi ay wala silang pahinga, dahil sinamba nila ang halimaw at ang imahen nito at nagpatatak ng pangalan nito.”

Revelation 14:11 (UKJV) And the smoke of their torment ascends up for ever and ever: and they have no rest day nor night, who worship the beast and his image, and whosoever receives the mark of his name.

9Sumunod pa ang isang anghel sa dalawang anghel na nauna. Sumisigaw din siya, “Kung sinuman ang sumamba sa halimaw at sa imahen nito, at tumanggap ng tatak nito sa noo o sa kanang kamay,

10ay paiinumin ng alak ng poot ng Diyos na ibinuhos na walang halo sa kopang naglalaman ng kanyang galit. Siyaʼy parurusahan sa nagniningas na apoy at asupre sa harapan ng mga banal na anghel at ng Kordero.

11Ang usok na galing sa paghihirap ng mga taong ito ay papailanlang magpakailanman. Araw-gabi ay wala silang pahinga, dahil sinamba nila ang halimaw at ang imahen nito at nagpatatak ng pangalan nito.”

12Itoʼy panawagan na maging matiisin ang mga hinirang ng Diyos, silang sumusunod sa kanyang mga utos at nananatiling tapat kay Hesus.

13Pagkatapos, may narinig akong tinig mula sa langit na nagsasabi, “Isulat mo ito: Mapalad ang mga taong namatay na naglilingkod sa Panginoon. “Mula ngayon,” sabi ng Espiritu, “makakapagpahinga na sila sa mga paghihirap nila, dahil tatanggapin na nila ang gantimpala para sa mabubuti nilang gawa.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.