11Ang usok na galing sa paghihirap ng mga taong ito ay papailanlang magpakailanman. Araw-gabi ay wala silang pahinga, dahil sinamba nila ang halimaw at ang imahen nito at nagpatatak ng pangalan nito.”
12Itoʼy panawagan na maging matiisin ang mga hinirang ng Diyos, silang sumusunod sa kanyang mga utos at nananatiling tapat kay Hesus.
13Pagkatapos, may narinig akong tinig mula sa langit na nagsasabi, “Isulat mo ito: Mapalad ang mga taong namatay na naglilingkod sa Panginoon. “Mula ngayon,” sabi ng Espiritu, “makakapagpahinga na sila sa mga paghihirap nila, dahil tatanggapin na nila ang gantimpala para sa mabubuti nilang gawa.”
14Pagkatapos, nakakita ako ng maputing ulap na may nakaupong parang Anak ng Tao. May gintong korona siya at may hawak na isang matalim na karit.
15At may isa pang anghel na lumabas mula sa templo at sumigaw sa nakaupo sa ulap, “Gamitin mo na ang karit mo at gumapas ka na, sapagkat panahon na ng pag-aani. Hinog na ang aanihin sa lupa!”