13Pagkatapos, may narinig akong tinig mula sa langit na nagsasabi, “Isulat mo ito: Mapalad ang mga taong namatay na naglilingkod sa Panginoon. “Mula ngayon,” sabi ng Espiritu, “makakapagpahinga na sila sa mga paghihirap nila, dahil tatanggapin na nila ang gantimpala para sa mabubuti nilang gawa.”
14Pagkatapos, nakakita ako ng maputing ulap na may nakaupong parang Anak ng Tao. May gintong korona siya at may hawak na isang matalim na karit.
15At may isa pang anghel na lumabas mula sa templo at sumigaw sa nakaupo sa ulap, “Gamitin mo na ang karit mo at gumapas ka na, sapagkat panahon na ng pag-aani. Hinog na ang aanihin sa lupa!”
16Kaya ginamit ng nakaupo sa ulap ang kanyang karit, at ginapas ang anihín sa lupa.
17Nakita ko ang isa pang anghel na lumabas sa templo roon sa langit, at may karit din siyang matalim.