Pahayag 14

ay paiinumin ng alak ng poot ng Diyos na ibinuhos na walang halo sa kopang naglalaman ng kanyang galit. Siyaʼy parurusahan sa nagniningas na apoy at asupre sa harapan ng mga banal na anghel at ng Kordero.

Revelation 14:10 (UKJV) The same shall drink of the wine of the wrath of God, which is poured out without mixture into the cup of his indignation; and he shall be tormented with fire and brimstone in the presence of the holy angels, and in the presence of the Lamb:

8Kasunod namang lumipad ang pangalawang anghel na sumisigaw, “Bumagsak na! Bumagsak na ang Dakilang Babilonia! Ang mga mamamayan nito ang humikayat sa mga tao sa buong mundo na sumunod sa imoralidad nila na kinamumuhian ng Diyos.”

9Sumunod pa ang isang anghel sa dalawang anghel na nauna. Sumisigaw din siya, “Kung sinuman ang sumamba sa halimaw at sa imahen nito, at tumanggap ng tatak nito sa noo o sa kanang kamay,

10ay paiinumin ng alak ng poot ng Diyos na ibinuhos na walang halo sa kopang naglalaman ng kanyang galit. Siyaʼy parurusahan sa nagniningas na apoy at asupre sa harapan ng mga banal na anghel at ng Kordero.

11Ang usok na galing sa paghihirap ng mga taong ito ay papailanlang magpakailanman. Araw-gabi ay wala silang pahinga, dahil sinamba nila ang halimaw at ang imahen nito at nagpatatak ng pangalan nito.”

12Itoʼy panawagan na maging matiisin ang mga hinirang ng Diyos, silang sumusunod sa kanyang mga utos at nananatiling tapat kay Hesus.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.