Pahayag 16

Ang dakilang lungsod ng Babilonia ay nahati sa tatlo at ang mga lungsod sa lahat ng bansa ay nawasak. Tinupad ng Diyos ang sinabi niya tungkol sa mga taong nakatira sa Dakilang Babilonia, kaya dumating na sa kanila ang parusa ng Diyos, dahil sa matinding galit niya.

Revelation 16:19 (UKJV) And the great city was divided into three parts, and the cities of the nations fell: and great Babylon came in remembrance before God, to give unto her the cup of the wine of the fierceness of his wrath.

17Ibinuhos ng ikapitong anghel ang laman ng kanyang sisidlan sa hangin. At may narinig akong sumisigaw mula sa trono sa templo, “Naganap na ang lahat!”

18Pagkatapos, kumidlat, kumulog, umugong at lumindol nang napakalakas. Hindi pa nagkakaroon ng ganoon kalakas na lindol sa buong kasaysayan ng tao sa mundo. Napakalakas ng pagyanig na iyon.

19Ang dakilang lungsod ng Babilonia ay nahati sa tatlo at ang mga lungsod sa lahat ng bansa ay nawasak. Tinupad ng Diyos ang sinabi niya tungkol sa mga taong nakatira sa Dakilang Babilonia, kaya dumating na sa kanila ang parusa ng Diyos, dahil sa matinding galit niya.

20Naglaho ang lahat ng isla at naging patag ang mga bundok.

21Inulan ang mga tao ng malalaking tipak ng yelo na tumitimbang ng limampung kilo bawat tipak hanggang sumpain ng mga tao ang Diyos dahil sa matinding salot na iyon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.