17Ngunit sa loob lamang ng maikling panahon, nawala ang lahat ng kanyang kayamanan!’ “Tatayo lang at magmamasid ang mga kapitan ng barko at ang mga tripulante nila, pati na ang mga pasahero at ang lahat ng mga naghahanapbuhay sa dagat.
18At habang minamasdan nila ang usok ng nasusunog na lungsod, sisigaw sila, ‘Walang katulad ang sikat na lungsod na iyan!’
19At lalagyan nila ng alikabok ang ulo nila habang umiiyak at nagluluksa. Sasabihin nila, ‘Kahabag-habag! Kahabag-habag ka dakilang lungsod. Sapagkat ikaw ang nagpayaman sa mga may-ari ng barkong naglalayag doon. Ngunit sa loob lamang ng maikling panahon, naranasan mo ang kapahamakan!’
20“Kaya kayong lahat ng nasa langit, magalak kayo dahil sa nangyari sa lungsod na iyon. Magalak kayo, kayong mga propeta, mga apostol at mga hinirang ng Diyos, sapagkat hinatulan na siya ng Diyos sa mga ginawa niya sa inyo!”
21Pagkatapos, may isang makapangyarihang anghel na kumuha ng isang batong kasinlaki ng malaking gilingan at inihagis sa dagat. Sinabi niya, “Dahil sa karahasan, bumagsak ang dakilang lungsod ng Babilonia, at hindi na siya makikitang muli.