Pahayag 18

“Kaya kayong lahat ng nasa langit, magalak kayo dahil sa nangyari sa lungsod na iyon. Magalak kayo, kayong mga propeta, mga apostol at mga hinirang ng Diyos, sapagkat hinatulan na siya ng Diyos sa mga ginawa niya sa inyo!”

Revelation 18:20 (UKJV) Rejoice over her, you heaven, and all of you holy apostles and prophets; for God has avenged you on her.

18At habang minamasdan nila ang usok ng nasusunog na lungsod, sisigaw sila, ‘Walang katulad ang sikat na lungsod na iyan!’

19At lalagyan nila ng alikabok ang ulo nila habang umiiyak at nagluluksa. Sasabihin nila, ‘Kahabag-habag! Kahabag-habag ka dakilang lungsod. Sapagkat ikaw ang nagpayaman sa mga may-ari ng barkong naglalayag doon. Ngunit sa loob lamang ng maikling panahon, naranasan mo ang kapahamakan!’

20“Kaya kayong lahat ng nasa langit, magalak kayo dahil sa nangyari sa lungsod na iyon. Magalak kayo, kayong mga propeta, mga apostol at mga hinirang ng Diyos, sapagkat hinatulan na siya ng Diyos sa mga ginawa niya sa inyo!”

21Pagkatapos, may isang makapangyarihang anghel na kumuha ng isang batong kasinlaki ng malaking gilingan at inihagis sa dagat. Sinabi niya, “Dahil sa karahasan, bumagsak ang dakilang lungsod ng Babilonia, at hindi na siya makikitang muli.

22Hindi na mapapakinggan ang mga tugtuging mula sa alpa, plauta at trumpeta, at ang tinig ng mga mang-aawit. Hindi na matatagpuan doon ang mahusay na mga manggagawa ng anumang uri ng gawain, at hindi na rin maririnig ang ingay ng mga gilingan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.