20“Kaya kayong lahat ng nasa langit, magalak kayo dahil sa nangyari sa lungsod na iyon. Magalak kayo, kayong mga propeta, mga apostol at mga hinirang ng Diyos, sapagkat hinatulan na siya ng Diyos sa mga ginawa niya sa inyo!”
21Pagkatapos, may isang makapangyarihang anghel na kumuha ng isang batong kasinlaki ng malaking gilingan at inihagis sa dagat. Sinabi niya, “Dahil sa karahasan, bumagsak ang dakilang lungsod ng Babilonia, at hindi na siya makikitang muli.
22Hindi na mapapakinggan ang mga tugtuging mula sa alpa, plauta at trumpeta, at ang tinig ng mga mang-aawit. Hindi na matatagpuan doon ang mahusay na mga manggagawa ng anumang uri ng gawain, at hindi na rin maririnig ang ingay ng mga gilingan.
23Hindi na magniningas para sa iyo, ang ilaw ng lampara. Ang masayang tinig ng bagong kasal ay hindi na mapapakinggan. Sa unaʼy mataas ang turing sa iyo ng mga mangangalakal sa mundo. Sapagkat sa iyong salamangka naligaw ng landas ang lahat.
24Sa lungsod na iyon dumanak ang dugo ng mga propeta at ng mga hinirang ng Diyos, pati ng mga taong pinaslang sa buong mundo.”