Pahayag 18

Hindi na magniningas para sa iyo, ang ilaw ng lampara. Ang masayang tinig ng bagong kasal ay hindi na mapapakinggan. Sa unaʼy mataas ang turing sa iyo ng mga mangangalakal sa mundo. Sapagkat sa iyong salamangka naligaw ng landas ang lahat.

Revelation 18:23 (UKJV) And the light of a candle shall shine no more at all in you; and the voice of the bridegroom and of the bride shall be heard no more at all in you: for your merchants were the great men of the earth; for by your sorceries were all nations deceived.

21Pagkatapos, may isang makapangyarihang anghel na kumuha ng isang batong kasinlaki ng malaking gilingan at inihagis sa dagat. Sinabi niya, “Dahil sa karahasan, bumagsak ang dakilang lungsod ng Babilonia, at hindi na siya makikitang muli.

22Hindi na mapapakinggan ang mga tugtuging mula sa alpa, plauta at trumpeta, at ang tinig ng mga mang-aawit. Hindi na matatagpuan doon ang mahusay na mga manggagawa ng anumang uri ng gawain, at hindi na rin maririnig ang ingay ng mga gilingan.

23Hindi na magniningas para sa iyo, ang ilaw ng lampara. Ang masayang tinig ng bagong kasal ay hindi na mapapakinggan. Sa unaʼy mataas ang turing sa iyo ng mga mangangalakal sa mundo. Sapagkat sa iyong salamangka naligaw ng landas ang lahat.

24Sa lungsod na iyon dumanak ang dugo ng mga propeta at ng mga hinirang ng Diyos, pati ng mga taong pinaslang sa buong mundo.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.