Pahayag 21

Ang pundasyon ng pader ay napapalamutian ng sari-saring mamahaling bato: una, haspe; ikalawa, safiro; ikatlo, kalsedonia; ikaapat, esmeralda;

Revelation 21:19 (UKJV) And the foundations of the wall of the city were garnished with all manner of precious stones. The first foundation was jasper; the second, sapphire; the third, a chalcedony; the fourth, an emerald;

17Sinukat din niya ang pader, 144 siko ang taas nito. (Ang panukat na ginamit ng anghel ay katulad din ng panukat na ginagamit ng tao.)

18Ang pader ay yari sa batong haspe. Ang lungsod naman ay yari sa purong ginto na kasinlinaw ng kristal.

19Ang pundasyon ng pader ay napapalamutian ng sari-saring mamahaling bato: una, haspe; ikalawa, safiro; ikatlo, kalsedonia; ikaapat, esmeralda;

20ikalima, sardonix; ikaanim, kornalina; ikapito, krisolito; ikawalo, beril; ikasiyam, topaz; ikasampu, krisopraso; ika-labing-isa, hasinto; at ika-labindalawa, ametista.

21Perlas ang labindalawang pinto, dahil ang bawat pinto ay yari sa isang malaking perlas. Ang mga pangunahing lansangan ay gintong dalisay at kasinlinaw ng kristal.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.