Pahayag 21

Wala akong nakitang templo sa lungsod na iyon, dahil ang pinaka-templo ay walang iba kundi ang Panginoong Diyos na makapangyarihan sa lahat at ang Kordero.

Revelation 21:22 (UKJV) And I saw no temple therein: for the Lord God Almighty and the Lamb are the temple of it.

20ikalima, sardonix; ikaanim, kornalina; ikapito, krisolito; ikawalo, beril; ikasiyam, topaz; ikasampu, krisopraso; ika-labing-isa, hasinto; at ika-labindalawa, ametista.

21Perlas ang labindalawang pinto, dahil ang bawat pinto ay yari sa isang malaking perlas. Ang mga pangunahing lansangan ay gintong dalisay at kasinlinaw ng kristal.

22Wala akong nakitang templo sa lungsod na iyon, dahil ang pinaka-templo ay walang iba kundi ang Panginoong Diyos na makapangyarihan sa lahat at ang Kordero.

23Hindi na kailangan ang araw o ang buwan sa lungsod dahil ang kaluwalhatian ng Diyos ang nagbibigay ng liwanag, at ang Kordero ang ilaw doon.

24Ang ilaw ng lungsod na iyon ay magbibigay-liwanag sa mga bansa. At dadalhin doon ng mga hari sa mundo ang mga kayamanan nila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.