Pahayag 21

At sinabi ng nakaupo sa trono, “Gagawin kong bago ang lahat ng bagay!” At sinabi niya sa akin, “Isulat mo ang sinasabi ko dahil totoo ito at mapagkakatiwalaan.”

Revelation 21:5 (UKJV) And he that sat upon the throne said, Behold, I make all things new. And he said unto me, Write: for these words are true and faithful.

3Narinig ko ang isang malakas na sigaw mula sa trono, “Ngayon, ang tahanan ng Diyos ay nasa piling na ng mga tao! Mananahan na siyang kasama nila. Silaʼy magiging mga mamamayan niya. At siyaʼy makakapiling na nila at magiging Diyos nila.

4‘Papahirin niya ang mga luha sa kanilang mga mata. Wala nang kamatayan,’ kalungkutan, iyakan o sakit. Sapagkat lumipas na ang dating kalagayan.”

5At sinabi ng nakaupo sa trono, “Gagawin kong bago ang lahat ng bagay!” At sinabi niya sa akin, “Isulat mo ang sinasabi ko dahil totoo ito at mapagkakatiwalaan.”

6At sinabi pa niya, “Naganap na! Ako ang Alpha at ang Omega, ang simula at ang katapusan. Ang sinumang nauuhaw ay paiinumin ko nang walang bayad mula sa bukal ng tubig na nagbibigay-buhay.

7Ang mga magtatagumpay ay gagawin kong mga anak ko, at akoʼy magiging Diyos nila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.