Pahayag 21

At sinabi pa niya, “Naganap na! Ako ang Alpha at ang Omega, ang simula at ang katapusan. Ang sinumang nauuhaw ay paiinumin ko nang walang bayad mula sa bukal ng tubig na nagbibigay-buhay.

Revelation 21:6 (UKJV) And he said unto me, It is done. I am Alpha and Omega, the beginning and the end. I will give unto him that is thirsty of the fountain of the water of life freely.

4‘Papahirin niya ang mga luha sa kanilang mga mata. Wala nang kamatayan,’ kalungkutan, iyakan o sakit. Sapagkat lumipas na ang dating kalagayan.”

5At sinabi ng nakaupo sa trono, “Gagawin kong bago ang lahat ng bagay!” At sinabi niya sa akin, “Isulat mo ang sinasabi ko dahil totoo ito at mapagkakatiwalaan.”

6At sinabi pa niya, “Naganap na! Ako ang Alpha at ang Omega, ang simula at ang katapusan. Ang sinumang nauuhaw ay paiinumin ko nang walang bayad mula sa bukal ng tubig na nagbibigay-buhay.

7Ang mga magtatagumpay ay gagawin kong mga anak ko, at akoʼy magiging Diyos nila.

8Ngunit ang mga duwag, mga ayaw sumampalataya sa akin, mga marurumi ang gawain, mga mamamatay-tao, mga imoral, mga mangkukulam, mga sumasamba sa mga diyos-diyosan, at lahat ng sinungaling ay itatapon sa naglalagablab na lawang apoy at asupre, na siyang ikalawang kamatayan.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.