10Sinabi pa niya sa akin, “Huwag mong ililihim ang mga propesiya sa aklat na ito, dahil malapit na itong matupad.
11Ang masama ay magpapakasama pa, at ang marumi ay magpapakarumi pa. Ngunit ang matuwid ay magpapakatuwid pa, at ang banal ay magpapakabanal pa.”
12Sinabi ng Panginoong Hesus, “Makinig kayo! Malapit na akong dumating! Dala ko ang aking gantimpala para sa bawat isa ayon sa mga ginawa niya.
13Ako ang Alpha at ang Omega, ang una at ang huli, o ang simula at ang katapusan.
14“Mapalad ang naglilinis ng mga damit nila, dahil papayagan silang makapasok sa lungsod at kumain ng bunga ng punongkahoy na nagbibigay-buhay.