Pahayag 22

Binabalaan ko ang lahat ng nakakarinig sa propesiya sa aklat na ito. Sa sinumang magdagdag sa mga nilalaman ng aklat na ito, idaragdag ng Diyos sa kanya ang mga salot na nakasulat dito.

Revelation 22:18 (UKJV) For I testify unto every man that hears the words of the prophecy of this book, If any man shall add unto these things, God shall add unto him the plagues that are written in this book:

16“Akong si Hesus ang nagsugo sa aking anghel sa inyo upang magpatotoo sa mga bagay na ito para sa mga iglesya. Ako ang Supling na mula sa lahi ni David at ang maningning na Tala sa Umaga.”

17Sinabi ng Espiritu at ng babaeng ikakasal, “Halikayo!” Ang lahat ng nakarinig nito ay magsabi rin, “Halikayo!” Lumapit ang sinumang nauuhaw at gustong uminom ng tubig na nagbibigay-buhay. Wala itong bayad.

18Binabalaan ko ang lahat ng nakakarinig sa propesiya sa aklat na ito. Sa sinumang magdagdag sa mga nilalaman ng aklat na ito, idaragdag ng Diyos sa kanya ang mga salot na nakasulat dito.

19At ang sinumang magbawas sa mga nilalaman ng aklat na ito ay aalisan ng Diyos ng karapatang kumain sa bunga ng punongkahoy na nagbibigay-buhay. At mawawalan din siya ng karapatang makapasok sa Banal na Lungsod na nabanggit sa aklat na ito.

20Sinasabi ng nagpapatotoo sa lahat ng nakasulat dito, “Talagang malapit na akong dumating!” Sinabi ko naman, “Amen! Pumarito na po kayo, Panginoong Hesus.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.