Pahayag 22

“Akong si Hesus ang nagsugo sa aking anghel sa inyo upang magpatotoo sa mga bagay na ito para sa mga iglesya. Ako ang Supling na mula sa lahi ni David at ang maningning na Tala sa Umaga.”

Revelation 22:16 (UKJV) I Jesus have sent mine angel to testify unto you these things in the churches. I am the root and the offspring of David, and the bright and morning star.

14“Mapalad ang naglilinis ng mga damit nila, dahil papayagan silang makapasok sa lungsod at kumain ng bunga ng punongkahoy na nagbibigay-buhay.

15Ngunit maiiwan sa labas ang masasamang tao, mga mangkukulam, mga imoral, mga mamamatay-tao, mga sumasamba sa mga diyos-diyosan, at ang lahat ng nagmamahal at nabubuhay sa kasinungalingan.

16“Akong si Hesus ang nagsugo sa aking anghel sa inyo upang magpatotoo sa mga bagay na ito para sa mga iglesya. Ako ang Supling na mula sa lahi ni David at ang maningning na Tala sa Umaga.”

17Sinabi ng Espiritu at ng babaeng ikakasal, “Halikayo!” Ang lahat ng nakarinig nito ay magsabi rin, “Halikayo!” Lumapit ang sinumang nauuhaw at gustong uminom ng tubig na nagbibigay-buhay. Wala itong bayad.

18Binabalaan ko ang lahat ng nakakarinig sa propesiya sa aklat na ito. Sa sinumang magdagdag sa mga nilalaman ng aklat na ito, idaragdag ng Diyos sa kanya ang mga salot na nakasulat dito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.