Pahayag 22

Ngunit maiiwan sa labas ang masasamang tao, mga mangkukulam, mga imoral, mga mamamatay-tao, mga sumasamba sa mga diyos-diyosan, at ang lahat ng nagmamahal at nabubuhay sa kasinungalingan.

Revelation 22:15 (UKJV) For without are dogs, and sorcerers, and whoremongers, and murderers, and idolaters, and whosoever loves and makes a lie.

13Ako ang Alpha at ang Omega, ang una at ang huli, o ang simula at ang katapusan.

14“Mapalad ang naglilinis ng mga damit nila, dahil papayagan silang makapasok sa lungsod at kumain ng bunga ng punongkahoy na nagbibigay-buhay.

15Ngunit maiiwan sa labas ang masasamang tao, mga mangkukulam, mga imoral, mga mamamatay-tao, mga sumasamba sa mga diyos-diyosan, at ang lahat ng nagmamahal at nabubuhay sa kasinungalingan.

16“Akong si Hesus ang nagsugo sa aking anghel sa inyo upang magpatotoo sa mga bagay na ito para sa mga iglesya. Ako ang Supling na mula sa lahi ni David at ang maningning na Tala sa Umaga.”

17Sinabi ng Espiritu at ng babaeng ikakasal, “Halikayo!” Ang lahat ng nakarinig nito ay magsabi rin, “Halikayo!” Lumapit ang sinumang nauuhaw at gustong uminom ng tubig na nagbibigay-buhay. Wala itong bayad.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.