3Walang anumang isinumpa ng Diyos na makikita roon. Naroon ang trono ng Diyos at ng Kordero, at sasambahin siya ng mga lingkod niya.
4Makikita nila ang kanyang mukha, at isusulat sa mga noo nila ang kanyang pangalan.
5Wala nang gabi roon, kaya hindi na kailangan ang mga ilawan o ang liwanag ng araw, dahil ang Panginoong Diyos ang magiging ilaw nila. At maghahari sila magpakailanman.
6At sinabi sa akin ng anghel, “Ang mga salitang ito ay totoo at maaasahan. Ang Panginoong Diyos, na nagpapahayag sa kanyang mga propeta, ang siyang nagsugo ng anghel niya upang ipakita sa mga lingkod niya ang mga bagay na malapit nang mangyari.”
7Sinabi ni Hesus, “Malapit na akong dumating! Mapalad ang mga sumusunod sa mga pahayag ng Diyos sa aklat na ito.”