Pahayag 22

At sinabi sa akin ng anghel, “Ang mga salitang ito ay totoo at maaasahan. Ang Panginoong Diyos, na nagpapahayag sa kanyang mga propeta, ang siyang nagsugo ng anghel niya upang ipakita sa mga lingkod niya ang mga bagay na malapit nang mangyari.”

Revelation 22:6 (UKJV) And he said unto me, These sayings are faithful and true: and the Lord God of the holy prophets sent his angel to show unto his servants the things which must shortly be done.

4Makikita nila ang kanyang mukha, at isusulat sa mga noo nila ang kanyang pangalan.

5Wala nang gabi roon, kaya hindi na kailangan ang mga ilawan o ang liwanag ng araw, dahil ang Panginoong Diyos ang magiging ilaw nila. At maghahari sila magpakailanman.

6At sinabi sa akin ng anghel, “Ang mga salitang ito ay totoo at maaasahan. Ang Panginoong Diyos, na nagpapahayag sa kanyang mga propeta, ang siyang nagsugo ng anghel niya upang ipakita sa mga lingkod niya ang mga bagay na malapit nang mangyari.”

7Sinabi ni Hesus, “Malapit na akong dumating! Mapalad ang mga sumusunod sa mga pahayag ng Diyos sa aklat na ito.”

8Akong si Juan ang nakarinig at nakakita ng lahat ng ito. Matapos kong marinig at makita ang lahat ng ito, nagpatirapa ako upang sumamba sa anghel na nagpakita sa akin ng mga ito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.