Pahayag 5

Umaawit silang may malakas na tinig: “Ang Korderong pinatay ay karapat-dapat tumanggap ng kapangyarihan, kayamanan, karunungan, kalakasan, karangalan, kaluwalhatian at kapurihan!”

Revelation 5:12 (UKJV) Saying with a loud voice, Worthy is the Lamb that was slain to receive power, and riches, and wisdom, and strength, and honour, and glory, and blessing.

10Ginawa nʼyo silang mga hari at mga pari upang maglingkod sa ating Diyos. At maghahari sila sa mundo.”

11Nakita ko at narinig ang tinig ng napakarami at libo-libong mga anghel na nakapaligid sa trono, sa apat na buháy na nilalang at sa dalawampuʼt apat na pinuno.

12Umaawit silang may malakas na tinig: “Ang Korderong pinatay ay karapat-dapat tumanggap ng kapangyarihan, kayamanan, karunungan, kalakasan, karangalan, kaluwalhatian at kapurihan!”

13At narinig ko ang bawat nilalang sa langit, sa lupa, sa ilalim ng lupa, at sa dagat na umaawit: “Ibigay sa nakaupo sa trono at sa Kordero ang kapurihan, kaluwalhatian, karangalan at kapangyarihan, magpakailanman!”

14Sumagot ang apat na buháy na nilalang, “Amen!” At nagpatirapa ang mga pinuno at sumamba.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.