Pahayag 6

Sumisigaw sila nang malakas ang tinig, “Panginoong Makapangyarihan, banal at tapat, gaano pa po kami katagal na maghihintay bago ninyo hatulan at parusahan ang mga taong makamundo na pumatay sa amin?”

Revelation 6:10 (UKJV) And they cried with a loud voice, saying, How long, O Lord, holy and true, do you not judge and avenge our blood on them that dwell on the earth?

8Pagtingin ko, nakita ko ang isang maputlang kabayo. Ang pangalan ng nakasakay ay Kamatayan, at kasunod nito ang mundo ng mga patay. Ibinigay sa mga ito ang kapangyarihan sa ikaapat na bahagi ng naninirahan sa mundo upang pumatay sa pamamagitan ng digmaan, gutom, sakit at mababangis na hayop.

9Nang matanggal ng Kordero ang ikalimang selyo, nakita ko sa ilalim ng altar ang kaluluwa ng mga taong pinatay dahil sa tapat na pangangaral nila ng salita ng Diyos.

10Sumisigaw sila nang malakas ang tinig, “Panginoong Makapangyarihan, banal at tapat, gaano pa po kami katagal na maghihintay bago ninyo hatulan at parusahan ang mga taong makamundo na pumatay sa amin?”

11Bawat isa sa kanilaʼy binigyan ng puting damit at sinabihang maghintay nang kaunti pang panahon, hanggang sa mabuo ang bilang ng kanilang mga kapatid at kapwa naglilingkod sa Diyos, na papatayin ding tulad nila.

12Nang matanggal ng Kordero ang ikaanim na selyo, lumindol nang malakas. Nagdilim ang araw na kasing-itim ng damit-panluksa, at naging kasimpula ng dugo ang buwan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.