Pahayag 6

Pagtingin ko, nakita ko ang isang maputlang kabayo. Ang pangalan ng nakasakay ay Kamatayan, at kasunod nito ang mundo ng mga patay. Ibinigay sa mga ito ang kapangyarihan sa ikaapat na bahagi ng naninirahan sa mundo upang pumatay sa pamamagitan ng digmaan, gutom, sakit at mababangis na hayop.

Revelation 6:8 (UKJV) And I looked, and behold a pale horse: and his name that sat on him was Death, and Hell followed with him. And power was given unto them over the fourth part of the earth, to kill with sword, and with hunger, and with death, and with the beasts of the earth.

6May narinig akong parang tinig mula sa kalagitnaan ng apat na buháy na nilalang na nagsasabing, “Ang presyo ng isang kilo ng trigo ay dapat isang araw na sahod, at ganoon din ang presyo ng tatlong kilo ng sebada. Ngunit huwag mong sirain ang langis at alak!”

7Nang matanggal ng Kordero ang ikaapat na selyo, narinig kong sinabi ng ikaapat na buháy na nilalang, “Halika!”

8Pagtingin ko, nakita ko ang isang maputlang kabayo. Ang pangalan ng nakasakay ay Kamatayan, at kasunod nito ang mundo ng mga patay. Ibinigay sa mga ito ang kapangyarihan sa ikaapat na bahagi ng naninirahan sa mundo upang pumatay sa pamamagitan ng digmaan, gutom, sakit at mababangis na hayop.

9Nang matanggal ng Kordero ang ikalimang selyo, nakita ko sa ilalim ng altar ang kaluluwa ng mga taong pinatay dahil sa tapat na pangangaral nila ng salita ng Diyos.

10Sumisigaw sila nang malakas ang tinig, “Panginoong Makapangyarihan, banal at tapat, gaano pa po kami katagal na maghihintay bago ninyo hatulan at parusahan ang mga taong makamundo na pumatay sa amin?”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.