2At nakita ko ang isa pang anghel na galing sa silangan na taglay ang pantatak ng buháy na Diyos. Sumigaw siya sa apat na anghel na binigyan ng Diyos ng kapangyarihang maminsala sa lupa at dagat.
3Sinabi niya, “Huwag muna ninyong pinsalain ang lupa, ang dagat o ang mga punongkahoy hanggaʼt hindi pa natin natatatakan sa noo ang mga lingkod ng ating Diyos.”
4Ayon sa narinig ko, 144,000 ang lahat ng tinatakan mula sa labindalawang lahi ng Israel.
5Labindalawang libo mula sa lahi ni Juda ang tinatakan; labindalawang libo mula sa lahi ni Ruben; labindalawang libo mula sa lahi ni Gad;
6labindalawang libo mula sa lahi ni Asher; labindalawang libo mula sa lahi ni Neftali; labindalawang libo sa lahi ni Manases;