1Pagkatapos nito, nakita kong nakatayo ang apat na anghel sa apat na sulok ng mundo. Pinipigilan nila ang apat na hangin upang hindi umihip sa lupa, sa dagat, o sa alinmang punongkahoy.
2At nakita ko ang isa pang anghel na galing sa silangan na taglay ang pantatak ng buháy na Diyos. Sumigaw siya sa apat na anghel na binigyan ng Diyos ng kapangyarihang maminsala sa lupa at dagat.
3Sinabi niya, “Huwag muna ninyong pinsalain ang lupa, ang dagat o ang mga punongkahoy hanggaʼt hindi pa natin natatatakan sa noo ang mga lingkod ng ating Diyos.”
4Ayon sa narinig ko, 144,000 ang lahat ng tinatakan mula sa labindalawang lahi ng Israel.