Pahayag 8

Nang mabuksan ng Kordero ang ikapitong selyo, nagkaroon ng katahimikan sa langit sa loob ng halos kalahating oras.

Revelation 8:1 (UKJV) And when he had opened the seventh seal, there was silence in heaven about the space of half an hour.

1Nang mabuksan ng Kordero ang ikapitong selyo, nagkaroon ng katahimikan sa langit sa loob ng halos kalahating oras.

2Pagkatapos, nakita ko ang pitong anghel na nakatayo sa harapan ng Diyos. Ang bawat isa sa kanilaʼy binigyan ng trumpeta.

3May isa pang anghel na lumapit sa altar, dala ang isang gintong lalagyan ng insenso. Binigyan siya ng maraming insenso upang maisama niya sa mga dalangin ng lahat ng mga hinirang ng Diyos at maihandog sa gintong altar sa harap ng trono.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.