Pahayag 8

Pagkatapos, nakita ko ang pitong anghel na nakatayo sa harapan ng Diyos. Ang bawat isa sa kanilaʼy binigyan ng trumpeta.

Revelation 8:2 (UKJV) And I saw the seven angels which stood before God; and to them were given seven trumpets.

1Nang mabuksan ng Kordero ang ikapitong selyo, nagkaroon ng katahimikan sa langit sa loob ng halos kalahating oras.

2Pagkatapos, nakita ko ang pitong anghel na nakatayo sa harapan ng Diyos. Ang bawat isa sa kanilaʼy binigyan ng trumpeta.

3May isa pang anghel na lumapit sa altar, dala ang isang gintong lalagyan ng insenso. Binigyan siya ng maraming insenso upang maisama niya sa mga dalangin ng lahat ng mga hinirang ng Diyos at maihandog sa gintong altar sa harap ng trono.

4Mula sa kamay ng anghel ay umakyat sa harap ng Diyos ang usok ng insenso kasama ang mga panalangin ng mga hinirang ng Diyos.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.