Pahayag 8

Mula sa kamay ng anghel ay umakyat sa harap ng Diyos ang usok ng insenso kasama ang mga panalangin ng mga hinirang ng Diyos.

Revelation 8:4 (UKJV) And the smoke of the incense, which came with the prayers of the saints, ascended up before God out of the angel's hand.

2Pagkatapos, nakita ko ang pitong anghel na nakatayo sa harapan ng Diyos. Ang bawat isa sa kanilaʼy binigyan ng trumpeta.

3May isa pang anghel na lumapit sa altar, dala ang isang gintong lalagyan ng insenso. Binigyan siya ng maraming insenso upang maisama niya sa mga dalangin ng lahat ng mga hinirang ng Diyos at maihandog sa gintong altar sa harap ng trono.

4Mula sa kamay ng anghel ay umakyat sa harap ng Diyos ang usok ng insenso kasama ang mga panalangin ng mga hinirang ng Diyos.

5Pagkatapos, kumuha ang anghel ng mga baga sa altar at pinuno ang lalagyan ng insenso, at inihagis sa lupa. At bigla namang kumidlat, kumulog, umugong at lumindol.

6Pagkatapos, naghanda ang pitong anghel upang patunugin ang kanilang trumpeta.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.