Pahayag 9

Ngunit ang mga taong hindi napatay ng mga salot na ito ay hindi pa rin tumalikod sa mga diyos-diyosang nilikha ng kanilang mga kamay. Patuloy pa rin sila sa pagsamba sa mga demonyo, at mga diyos-diyosang yari sa ginto, pilak, tanso, bato, at kahoy. Ang mga ito ay hindi nakakakita, hindi nakakarinig, at hindi nakakalakad.

Revelation 9:20 (UKJV) And the rest of the men which were not killed by these plagues yet repented not of the works of their hands, that they should not worship devils, and idols of gold, and silver, and brass, and stone, and of wood: which neither can see, nor hear, nor walk:

18At sa pamamagitan ng tatlong salot na ito – ang apoy, usok at asupre – namatay ang ikatlong bahagi ng mga tao.

19Ang kapangyarihan ng mga kabayo ay nasa bibig at buntot nila. Ang buntot nila ay may mga ulo na parang mga ahas, at ito ang ginagamit nila sa pananakit ng mga tao.

20Ngunit ang mga taong hindi napatay ng mga salot na ito ay hindi pa rin tumalikod sa mga diyos-diyosang nilikha ng kanilang mga kamay. Patuloy pa rin sila sa pagsamba sa mga demonyo, at mga diyos-diyosang yari sa ginto, pilak, tanso, bato, at kahoy. Ang mga ito ay hindi nakakakita, hindi nakakarinig, at hindi nakakalakad.

21Hindi rin nila pinagsisihan ang kanilang pagpatay, pangkukulam, seksuwal na imoralidad, at pagnanakaw.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.