Pahayag 9

Ngunit pinagbawalan silang maminsala ng mga damo o anumang halaman at puno sa lupa, kundi ng mga tao lang na walang tatak ng Diyos sa kanilang noo.

Revelation 9:4 (UKJV) And it was commanded them that they should not hurt the grass of the earth, neither any green thing, neither any tree; but only those men which have not the seal of God in their foreheads.

2At nang buksan niya ito, lumabas ang makapal na usok na parang galing sa malaking hurno. Dumilim ang araw at hangin dahil sa usok mula sa kailaliman.

3At mula sa usok, naglabasan ang mga balang at kumalat sa lupa. Binigyan sila ng kapangyarihang manakit tulad ng alakdan.

4Ngunit pinagbawalan silang maminsala ng mga damo o anumang halaman at puno sa lupa, kundi ng mga tao lang na walang tatak ng Diyos sa kanilang noo.

5Pinagbawalan din silang patayin ang mga taong ito, kundi pahirapan lang sa loob ng limang buwan. Ang hapdi ng kagat nila ay katulad ng kagat ng alakdan.

6Kaya sa loob ng limang buwan, mas gugustuhin pa ng mga tao na mamatay, ngunit hindi ito mangyayari kahit gustuhin man nila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.