Pahayag 9

At mula sa usok, naglabasan ang mga balang at kumalat sa lupa. Binigyan sila ng kapangyarihang manakit tulad ng alakdan.

Revelation 9:3 (UKJV) And there came out of the smoke locusts upon the earth: and unto them was given power, as the scorpions of the earth have power.

1Pinatunog ng ikalimang anghel ang kanyang trumpeta, at nakita ko ang isang bituin mula sa langit na nahulog sa lupa. At ibinigay sa kanya ang susi sa pintuan ng kailaliman.

2At nang buksan niya ito, lumabas ang makapal na usok na parang galing sa malaking hurno. Dumilim ang araw at hangin dahil sa usok mula sa kailaliman.

3At mula sa usok, naglabasan ang mga balang at kumalat sa lupa. Binigyan sila ng kapangyarihang manakit tulad ng alakdan.

4Ngunit pinagbawalan silang maminsala ng mga damo o anumang halaman at puno sa lupa, kundi ng mga tao lang na walang tatak ng Diyos sa kanilang noo.

5Pinagbawalan din silang patayin ang mga taong ito, kundi pahirapan lang sa loob ng limang buwan. Ang hapdi ng kagat nila ay katulad ng kagat ng alakdan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.