Pahayag 9

Pinatunog ng ikalimang anghel ang kanyang trumpeta, at nakita ko ang isang bituin mula sa langit na nahulog sa lupa. At ibinigay sa kanya ang susi sa pintuan ng kailaliman.

Revelation 9:1 (UKJV) And the fifth angel sounded, and I saw a star fall from heaven unto the earth: and to him was given the key of the bottomless pit.

1Pinatunog ng ikalimang anghel ang kanyang trumpeta, at nakita ko ang isang bituin mula sa langit na nahulog sa lupa. At ibinigay sa kanya ang susi sa pintuan ng kailaliman.

2At nang buksan niya ito, lumabas ang makapal na usok na parang galing sa malaking hurno. Dumilim ang araw at hangin dahil sa usok mula sa kailaliman.

3At mula sa usok, naglabasan ang mga balang at kumalat sa lupa. Binigyan sila ng kapangyarihang manakit tulad ng alakdan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.