Mga Taga-Roma 1

Kaya hinayaan na lang sila ng Diyos sa maruruming hangarin ng kanilang puso, hanggang sa gumawa sila ng kahalayan at kahiya-hiyang mga bagay sa isaʼt isa.

Romans 1:24 (UKJV) Wherefore God also gave them up to uncleanness through the lusts of their own hearts, to dishonour their own bodies between themselves:

22Nagmamarunong sila, ngunit lumilitaw na silaʼy mga mangmang.

23Sapagkat ipinagpalit nila ang kapuri-puri at walang kamatayang Diyos sa mga diyos-diyosang kawangis ng tao, mga ibon, mga hayop na may apat na paa, at mga hayop na gumagapang.

24Kaya hinayaan na lang sila ng Diyos sa maruruming hangarin ng kanilang puso, hanggang sa gumawa sila ng kahalayan at kahiya-hiyang mga bagay sa isaʼt isa.

25Pinalitan nila ng kasinungalingan ang katotohanan tungkol sa Diyos. Sumamba at naglingkod sila sa mga nilikha, sa halip na sa Manlilikha na siyang karapat-dapat papurihan magpakailanman. Amen!

26Dahil ayaw nilang kilalanin ang Diyos, hinayaan na lang sila ng Diyos na gawin ang kanilang malalaswang pagnanasa. Ipinagpalit ng mga babae ang natural na pakikipagrelasyon nila sa lalaki sa pamamagitan ng pakikipagrelasyon sa kapwa babae.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.