6At kayong mga mananampalataya diyan sa Roma ay kabilang din sa kanyang mga tinawag na maging pag-aari ni Hesu-Kristo.
7Sa inyong lahat na nasa Roma na minamahal ng Diyos at hinirang niyang maging banal na mga tao niya, sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang nagmumula sa Diyos na ating Ama at sa Panginoong Hesu-Kristo.
8Una sa lahat, nagpapasalamat ako sa aking Diyos sa pamamagitan ni Hesu-Kristo dahil sa inyong lahat, sapagkat balitang-balita ang inyong pananampalataya sa buong mundo.
9Ang Diyos, na pinaglilingkuran ko nang buong puso sa pamamagitan ng pangangaral ko ng Magandang Balita tungkol sa kanyang Anak, ang aking saksi sa kung gaano ko kayo kadalas idinadalangin.
10Palagi kong hinihiling sa Diyos na sanaʼy loobin niyang makapunta na rin ako diyan sa wakas.