Mga Taga-Roma 1

Ang Diyos, na pinaglilingkuran ko nang buong puso sa pamamagitan ng pangangaral ko ng Magandang Balita tungkol sa kanyang Anak, ang aking saksi sa kung gaano ko kayo kadalas idinadalangin.

Romans 1:9 (UKJV) For God is my witness, whom I serve with my spirit in the gospel of his Son, that without ceasing I make mention of you always in my prayers;

7Sa inyong lahat na nasa Roma na minamahal ng Diyos at hinirang niyang maging banal na mga tao niya, sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang nagmumula sa Diyos na ating Ama at sa Panginoong Hesu-Kristo.

8Una sa lahat, nagpapasalamat ako sa aking Diyos sa pamamagitan ni Hesu-Kristo dahil sa inyong lahat, sapagkat balitang-balita ang inyong pananampalataya sa buong mundo.

9Ang Diyos, na pinaglilingkuran ko nang buong puso sa pamamagitan ng pangangaral ko ng Magandang Balita tungkol sa kanyang Anak, ang aking saksi sa kung gaano ko kayo kadalas idinadalangin.

10Palagi kong hinihiling sa Diyos na sanaʼy loobin niyang makapunta na rin ako diyan sa wakas.

11Nananabik akong makita kayo dahil nais kong ibahagi sa inyo ang espirituwal na kaloob na magpapatatag sa inyong pananampalataya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.