Mga Taga-Roma 1

Nananabik akong makita kayo dahil nais kong ibahagi sa inyo ang espirituwal na kaloob na magpapatatag sa inyong pananampalataya.

Romans 1:11 (UKJV) For I long to see you, that I may impart unto you some spiritual gift, to the end all of you may be established;

9Ang Diyos, na pinaglilingkuran ko nang buong puso sa pamamagitan ng pangangaral ko ng Magandang Balita tungkol sa kanyang Anak, ang aking saksi sa kung gaano ko kayo kadalas idinadalangin.

10Palagi kong hinihiling sa Diyos na sanaʼy loobin niyang makapunta na rin ako diyan sa wakas.

11Nananabik akong makita kayo dahil nais kong ibahagi sa inyo ang espirituwal na kaloob na magpapatatag sa inyong pananampalataya.

12Ang ibig kong sabihin, magtutulungan tayo sa pagpapalakas ng pananampalataya ng isaʼt isa.

13Mga kapatid, nais kong malaman ninyo na ilang ulit ko nang binalak na pumunta riyan upang mayroon din akong maakay sa pananampalataya kay Kristo, tulad ng ginawa ko sa mga Hentil sa mga napuntahan kong lugar ngunit laging may humahadlang.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.