Mga Taga-Roma 1

Mga kapatid, nais kong malaman ninyo na ilang ulit ko nang binalak na pumunta riyan upang mayroon din akong maakay sa pananampalataya kay Kristo, tulad ng ginawa ko sa mga Hentil sa mga napuntahan kong lugar ngunit laging may humahadlang.

Romans 1:13 (UKJV) Now I would not have you ignorant, brethren, that oftentimes I purposed to come unto you, (but was let until now,) that I might have some fruit among you also, even as among other Gentiles.

11Nananabik akong makita kayo dahil nais kong ibahagi sa inyo ang espirituwal na kaloob na magpapatatag sa inyong pananampalataya.

12Ang ibig kong sabihin, magtutulungan tayo sa pagpapalakas ng pananampalataya ng isaʼt isa.

13Mga kapatid, nais kong malaman ninyo na ilang ulit ko nang binalak na pumunta riyan upang mayroon din akong maakay sa pananampalataya kay Kristo, tulad ng ginawa ko sa mga Hentil sa mga napuntahan kong lugar ngunit laging may humahadlang.

14Sapagkat obligado akong mangaral sa lahat ng tao: sa mga sibilisado at sa mga hindi, sa mga edukado at sa mga mangmang.

15Iyan ang dahilan kung bakit nais ko ring maipangaral ang Magandang Balita diyan sa inyo sa Roma.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.