Mga Taga-Roma 10

At buong tapang namang sinabi ni Isaias: “Natagpuan ako ng mga tao na hindi humanap sa akin. Ipinakilala ko ang aking sarili sa mga hindi nagtatanong tungkol sa akin.”

Romans 10:20 (UKJV) But Isaiah is very bold, and says, I was found of them that sought me not; I was made manifest unto them that asked not after me.

18Ito ngayon ang tanong ko: Hindi ba nakarinig ang mga Israelita? Nakarinig sila, dahil sinasabi sa Kasulatan: “Narinig sa lahat ng dako ang kanilang tinig; At nakarating sa buong mundo ang sinabi nila.”

19Kung ganoon, hindi ba ito naunawaan ng mga Israelita? Naunawaan nila, dahil ayon sa isinulat ni Moises, “Iinggitin ko kayo sa pamamagitan ng mga lahing hindi maituturing na bansa. Gagalitin ko kayo dahil ipapakita ko ang aking awa sa mga tao na hindi nakakakilala sa akin.”

20At buong tapang namang sinabi ni Isaias: “Natagpuan ako ng mga tao na hindi humanap sa akin. Ipinakilala ko ang aking sarili sa mga hindi nagtatanong tungkol sa akin.”

21Ngunit tungkol naman sa Israel, ito ang sinabi ng Diyos: “Matagal akong nanawagan at naghintay sa isang bansang matigas ang ulo at suwail.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.