19Kung ganoon, hindi ba ito naunawaan ng mga Israelita? Naunawaan nila, dahil ayon sa isinulat ni Moises, “Iinggitin ko kayo sa pamamagitan ng mga lahing hindi maituturing na bansa. Gagalitin ko kayo dahil ipapakita ko ang aking awa sa mga tao na hindi nakakakilala sa akin.”
20At buong tapang namang sinabi ni Isaias: “Natagpuan ako ng mga tao na hindi humanap sa akin. Ipinakilala ko ang aking sarili sa mga hindi nagtatanong tungkol sa akin.”
21Ngunit tungkol naman sa Israel, ito ang sinabi ng Diyos: “Matagal akong nanawagan at naghintay sa isang bansang matigas ang ulo at suwail.”