1Ito ang tanong ko ngayon: Itinakwil na ba ng Diyos ang mga taong pinili niya? Aba, hindi! Ako mismo ay isang Israelita, mula sa lahi ni Abraham at kabilang sa lahi ni Benjamin.
2Hindi itinakwil ng Diyos ang kanyang mga mamamayan na sa simula paʼy pinili na niya. Hindi ba ninyo natatandaan ang sinasabi ng Kasulatan nang ireklamo ni Propeta Elias sa Diyos ang mga Israelita?
3Sinabi niya, “Panginoon, pinatay po nila ang inyong mga propeta at winasak ang inyong mga altar. Ako na lang po ang naiwang buháy at gusto pa nila akong patayin.”